Results of Being a Call Center Representative

Just wanted to post it because its funny and for many Filipino Call Center Rep. out there eheh

Eto ang mga side effects ng pagtatrabaho sa mga Call Centers...
1.dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na sila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka!)
2.pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spielexample: ring ring!tenk u for calling (the company) this is (your name) how may I help you?
3. eksperto ka na sa power nap, young mga 15 min break nyo, itinutulog mo na langpara fresh pagka kolls uli mya na yung 1 hour nap
4.di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way
5.mas sanay ka ng matulog nga nakabusiness attirena mimiss mo yung matigas na sahig ng opisina nyotsaka yung malamig na aircon.
6.sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas.
7.ang tawag mo sa mga friends mo..dude, bro, coach, tl, sup.
8.di na dugo ang dumadaloy sa yo, kape na. Nung nagpaospital ka nag nilagay sa yo dextrose na may instant coffee.
9.sanay kang makipagusap kahit tulogpag tinanong ka ng kahit ano, tama ang sagot mo..ummm naghihilik ka pang hayop ka!
10.tadaaaa! Nagsasalita ka sa pagtulog mo pati kols mo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kapatid mo dahil nagsisgaw kang sup call! Sup call! Sup call!
11.pumuputi ka na dahil di ka na nasisikatan ng araw.
12.sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.
13.kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.
14.sanay ka na sa mga prank callers at mga death threats na nakasulat lang. Sa dami ba naman ng ma-encounter mo nito gabi-gabi sa trabaho, eh.
15.di ka na sanay sa traffic. Pagpasok at paguwi sa trabaho walang traffic.
16.di na tama ang oras ng pagkain mo. Breakfast mo ay hapunan na. Lunch mo sa madaling araw. Dinner mo paguwi mo sa umaga. Pag rest day mo naman at nakatulog ka sa gabi magigising ka pa rin sa madaling araw. Iba na ang body clock mo.
17.lahat ng kasabay mo sa dyip pag papasok ka pagod na. Ikaw lang ang bagong ligo at gel.
18.
19.maski sa bahay mabilis kang kumain.
20.hindi ka na kilala ng aso niyo.
21.tawag sa auto mo ay taxi kasi parating gabi bumibiyahe.
22.wala ka nang pakialam sa buhay.
23.nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo nat alam mong successful lahat ng ka-batch mo.
24.sasabihin mong field ng trabaho mo I.T. hindi call center.
25.nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo.26.sasabihin mong tech support engineer ka pero rep ka lang.
27.pag pay day walang sinabi lahat ng sweldo ng mga kaklase mong board passer (8 thou per month lang sila). Isang kinsenas mo lang yun.
28.pag day off mo na lang ikaw nakakapanood ng Eat Bulaga at MTB.29.wala ka nang panahong magpunta pa ng mga malls, sige isipin mo kelan ang huling punta mo ng mall para manood ng sine.
30.kahit saan ka magpunta, dollar spokening ka..nasanay ka sa call floor eh.
31.at minsan kahit si manong magtataho lang kausap mo, slang pa pagsasalita mo.
32.kahit dati di ka marunong magyosi noon, dahil sa work mo at sa pressure na dala nito, dahil diyan smoker ka na, at ang tawag mo sa lugar ng smoking area nyo ay lung center.
33.dahil sa laki ng sweldo mo, makukuha mong mag-shopping galore at mahihilig ka na sa mga signature products.
34.favorite hang-out mo ang starbucks coffee at ang gimikan nyong magbabarkada ay sa libis at greenbelt na halos lakarin nyo na lang sa lapit.
35.wala ka nang alam sa latest news wala ka nang pakialam sa mundo sapagkat ang buhay mo ay umiinog lang sa workstation mo.
36.marunong ka nang uminom ng beer..at hindi lang yun, malamang tanggero ka pa.
37.kung tl/sup ka sa call center, lahat ng sweldo ng batchmates mo nung college ay tax lang para sa sweldo mo.
38.updated ka sa latest cellphone products ng nokia sapagkat pagbili ng cellphone ang luho mo sa katawan.

Comments

Popular Posts